Paano haharapin ang FUD?

Forum rules
English language is forbidden on this local forum
Post Reply
Ledger Nano S - The secure hardware wallet

Topic author
hashshark777
Fresh Unicorn
Fresh Unicorn
Posts: 35
Joined: 11 Jan 2018, 21:29
Cash on hand: 3,759.24
Has thanked: 0
Been thanked: 1 time
Great Britain

#28202

15 Mar 2018, 16:46

Sa mga kapwa ko mandirigma sa crypto, alam ko ang kinakaharap natin ngayon, naglipana ang tinatawag na FUD (Takot, Walang Katiyakan at Pagdududa).
Paano nga ba natin ito mapaglabanan lalo na usapang pera ito. Marahil ang iba sa atin ay ipinusta na natin ang ating ipon, perang nakalaan dapat sa ating pamilya pero isinugal natin sa pagbili ng coins, pinanghawakan na balang araw lalago ang pera natin dito. Pero sa dami ng pangyayari ngayon lalo na ang sunod sunod na pagba-ban ng ibang bansa sa mga exchanges, mga transactions ng Bitcoin at iba pang uri ng pag-iinvest gamit ang crypto. Hindi tumitigil ang usaping pag-regulate, pagpataw ng tax, at pagbabawal gamitin ang mga coins na ito. Ang gobyerno at ibang mga sangay ng pinansiyal na ahensya ay nagsasanib pwersa upang pabagsakin ang mundo ng crypto, pero sa kabilang dako naman ay nahahati ang pananaw ng ibang naniniwala sa potensyal ng makabagong teknolohiyang ito. Kung sila mismo ay hati ang pananaw, paaano tayo susunod sa mga gusto nilang ipataw na batas upang sugpuin ang paglaganap ng cryptograpiya. Sa pananaw ng ibang mga dalubhasa sa teknolohiyang ito, ilan sa kanila ang nagsasabing hindi na nila kayang ipahinto at ginagawa na nilang ang huling hakbang na takutin ang mga tao. Ang mga banko ngayon ay takot sa maaaring kawalan sa kanilang negosyo kaya pati sila ay nananakot na.
Naniniwala ako na lilipas din ang FUD na ito at wala na silang magagawa kundi tanggapin at sumunod sa agos ng panahon.
Panahon na lang ang makapagsasabi kung kelan kaya kumapit lang tayo. Lilipas din ito.
These users thanked the author hashshark777 for the post:
Cootie (26 Mar 2018, 15:19)
Rating: 3.57%


Was This Topic Useful?

Post Reply
  • Similar Topics
    Replies
    Views
    Last post

Return to “Philippines”

  • Information
  • Who is online

    Users browsing this forum: No registered users and 1 guest