Ang Makabagong Mundo ng Pinansyal

Forum rules
English language is forbidden on this local forum
Post Reply
Ledger Nano S - The secure hardware wallet

Topic author
hashshark777
Fresh Unicorn
Fresh Unicorn
Posts: 35
Joined: 11 Jan 2018, 21:29
Cash on hand: 3,759.24
Has thanked: 0
Been thanked: 1 time
Great Britain

#24054

23 Feb 2018, 22:29

Sa mga nagdaang araw, marahil ang ilan sa atin ay naaapektuhan sa mga negatibong impormasyon tungkol sa blockchain at kripto. Maraming ahensya ngayon ang naglalabasan upang sirain ang reputasyon ng Bitcoin, nandiyan ang mga banko, SEC, mga ilang ahensya ng gobyerno at ibang uri ng pananakot sa mga nagbit-Bitcoin.
Ginagawa nila ito dahil sa takot na sila'y kalabanin ng makabagong teknolohiya ng blockchain, lalo na ang mga banko na nanganganib na mawalan ng mga kliyente. Kaliwat kanan ang ginagawang pagpipigil sa mga traders. Ang ilan sa atin ay marahil nadadadala na sa mga pananakot na ito pero isipin natin na ito ay maihahakintulad sa Internet noong dekada 90s na sinasabing scam, walang patutunguhan at imposibleng makamit sa mundong ginagalawan natin dahil ayon sa mga eksperto ay napaka imposible. Ngunit pagkalipas ng ilang taon, ang Internet naging penomenal na instrumento upang mapabilis ang pag transak sa anumang aktibidades sa mundo ng "online". Sa ngayon, ito na ang isang virtual na mundo natin na hindi na pwdeng alisin dahil halos tayo ay nabubuhay na sa teknolohiyang ito. Itong blockchain ay isa na namang imbensiyon sa mundo naman ng pinansiyal na aspeto ng pamumuhay natin. Hindi pa man tanggap ng ilan dahil bago lamang ito sa pandinig ng iba pero ayon sa mga eksperto at mga nagpapakadalubhasa sa teknolohiyang ito, ang Blockchain ay nandito na at hindi na ito maaalis ninoman at tatanggapin ng lahat sa tamang panahon na hinuhubog ng mga indibidwal na naniniwala dito.

Mag comment lamang dito at magpalitan tayo ng kuro-kuro.


User avatar

adreman23
Fresh Unicorn
Fresh Unicorn
Posts: 7
Joined: 24 Jan 2018, 02:40
Cash on hand: 9,624.60
Has thanked: 0
Been thanked: 0
Philippines

#36667

07 Apr 2018, 01:15

Marahil ay kakalabanin talaga ng mga banko ang krypto dahil mawawalan sila ng mga investor dahil sa krypto ang pera na iniinvest natin ay mabilis ang paglago kumpara sa banko na sobrang liit ng tubo. Sa tingin ko ang mga banko ang totoong mga buwaya, dahil ang pera na ini envest natin sa kanila ay kanilang ipapasok sa negosyo at bibigayan ka lang ng kakarampot na porsyento. Pero kung sa crypto tayo mag iinvest nasa sa atin ang diskarte kung paano lumago ang ating pera. Tayo ang mga kustomer, tayo ang mas may kontrol sa kanila, Huwag nating hayaang tayo ang kinokontrol ng gobyerno at pagbawalang sumali sa krypto dahil may sarili tayong desisyon para sa ating sarili. Ikaw papayag ka bang yung kinikita ng pera mo sa banko ay iba ang nakikinabang marahil ay hindi!

[ Post made via Android ]

Was This Topic Useful?

Post Reply
  • Similar Topics
    Replies
    Views
    Last post

Return to “Philippines”

  • Information
  • Who is online

    Users browsing this forum: No registered users and 1 guest